KASALANG BAYAN

KASALANG BAYAN

May naka-schedule na kasalang bayan at naganap ito noong February 17. Bago mag-Valentines ay nagpagawa si Mayora ng dalawang sample bouquet na ang budget ay P150. Noong una ay nahirapan kaming i-budget ito dahil sa mga gagamiting materyales. Mabuti na lang at nag-duty si Maam Margie noong araw na iyon. Tinulungan niya kami at ginawan ng pattern. February 14 noong bumalik ang mga taga-munisipyo at sinabing approved na raw ito ni Mayora at nagpapagawa sila ng 110 pieces at kukunin nila ng February 16 ng hapon. February 15 ay sinimulan naming gawin. Kulang pa kami sa manpower dahil nagkasakit ang aming dalawang Probee. Dala na rin siguro ng sobrang pagod noong February 13 at 14. Nagduty si Maam Margie ng 15 at 16 sa aming tindahan upang tulungan kami sa paggawa. Natapos naman namin ito ng hapon ng deadline.